Ang dokumento na ito ay ang mga hakbang at impormasyon para sa mga bikers na nakaranas ng error pagkatapos mag login sa Angkas application.
Step-By-Step Instructions for Bikers Who Experienced Login Error:
Gawin ang troubleshooting steps sa Angkas Driver app:
Pumunta sa iyong home screen at buksan ang Settings app.
Mag-scroll pababa at hanapin ang Apps o Application Manager (depende sa model ng iyong device).
Hanapin at piliin ang Angkas Driver app.
Sa loob ng app settings, hanapin at i-tap ang Storage o Storage & cache, pagkatapos ay i-tap ang Clear cache at Clear data.
Siguraduhin na ang version ng Angkas app ay ang latest version.
Kung matapos gawin ang troubleshooting steps at hindi pa rin maayos ang Angkas application, sundin ang Step 2:
Mag message sa Angkas Barkada MNL, mag email sa support@angkas.com o tumawag sa Angkas Hotlines.
Ibigay ang mga sumusunod na detalye:
Pangalan
Angkas Registered Mobile Number
App version
Android version
Brand ng iyong device
Screenshot o screen recording ng error
Maghintay ng 24-48 hours para sa update ng status ng iyong application mula sa Angkas.
Bakit Nagkakaroon Ng Error Sa Pag Log-In:
Maling Mobile Number: Siguraduhin na tama ang pagkaka-enter ng iyong registered mobile number upang maiwasan ang mga error.
Mahinang Internet Connection: Maaaring hindi sapat ang lakas ng iyong internet connection kaya’t hindi makakapag login.
Outdated na App Version: Ang mga luma o hindi updated na versions ng Angkas app ay maaaring magdulot ng login errors.
Paano Maiiwasan Ang Error Sa Pag Log-In:
Siguraduhin na tama ang pagkaka-enter ng iyong registered mobile number.
Panatilihing stable ang iyong internet connection upang makapag-login.
Siguraduhin na naka-install ang latest version ng Angkas app, upang maiwasan ang mga bug na maaaring makaapekto sa login.