Ang dokumento na ito ay naglalaman ng mga hakbang at impormasyon para sa mga bikers na nakaranas ng “Pasensya, ka-Dax!” error kapag binubuksan ang Angkas application.


Step-By-Step Instructions when Experiencing “pasensya, Ka-Dax!” Error Message

Step 1: Gawin ang troubleshooting steps sa Angkas Driver app

  1. Pumunta sa iyong home screen at buksan ang Settings app.

  2. Mag-scroll pababa at hanapin ang Apps o Application Manager (depende sa model ng iyong device).

  3. Hanapin at piliin ang Angkas Driver app.

  4. Sa loob ng app settings, hanapin at i-tap ang Storage o Storage & cache, pagkatapos ay i-tap ang Clear cache at Clear data.

  5. Siguraduhin na ang version ng iyong Angkas app ay ang latest version.

Kung matapos gawin ang troubleshooting steps at hindi pa rin maayos ang Angkas application, sundin ang Step 2.

Step 2: Makipag-ugnayan sa Angkas Support

Mag-message sa Angkas Barkada MNL, mag-email sa support@angkas.com, o tumawag sa Angkas Hotlines.

Ibigay ang mga sumusunod na detalye:

  • Pangalan

  • Angkas Registered Mobile Number

  • App Version

  • Android Version

  • Brand ng iyong device

  • Screenshot o screen recording ng error

Maghintay ng 24-48 hours para sa update ng status ng iyong application mula sa Angkas.


Contact Information

Saan maaaring mag-message o tumawag?

  • Angkas Barkada MNL

  • Email: support@angkas.com

  • SMART: 09189264527

  • GLOBE: 09173264527

  • Click2Talk: bit.ly/AKSClick2Talk (For Android phones only)

PAALALA:

  • Siguraduhin na malakas ang Data at WiFi Connection.

  • Panatilihing nakabukas ang screen upang hindi ma-disconnect ang tawag.

  • Huwag patayin o i-lock ang screen habang nakikipag-ugnayan sa support.