Mga detalye at impormasyon tungkol sa Daily Incentive Program ng Angkas.


Daily Incentive Program
Ang Daily Incentive program ay upang magbigay ng karagdagang araw-araw na kita sa mga Angkas Bikers. Ang karaniwang oras nito ay AM peak, MID peak, PM peak, at MIDNIGHT peak.

Ang Daily Incentive ay isang paraan upang magbigay ng karagdagang kita sa mga partner biker. Maaaring wholeday ang Incentive o nahahati sa iba’t ibang peak hours (AM, MID, PM at MIDNIGHT Peak).

Eligibility sa Daily Incentive Program
Para sa eligibility criteria, mangyaring sumangguni sa EKB: "Paano Ako Magiging Eligible sa Incentives? - Version 1".

Daily Incentives para sa Part-Timer Bikers
May nakalaan na daily incentives sa mga Angkas bikers na part-timer upang mahikayat na magbiyahe at magkaroon ng karagdagang kita.

Payout ng Daily Incentives
Ang Daily Incentive ay papasok sa iyong Angkas wallet kinabukasan matapos ang araw ng incentives. Tandaan na hindi kabilang ang mga araw ng holidays, events, o system maintenance para sa incentives top-up.

Follow-Up sa Incentives
Kung hindi pumasok ang iyong incentives, maaaring mag-message o tumawag sa Angkas Hotline at ibigay ang mga sumusunod na detalye:

  • Pangalan

  • Angkas registered number

  • Date ng incentives

  • Oras ng incentives

Contact Channels para sa Inquiries

  • Facebook Page: Angkas

  • Email: support@angkas.com

  • SMART: 09189264527

  • GLOBE: 09173264527

  • Click2Talk: bit.ly/AKSClick2Talk (For Android phones only)

Paalala:

  • Siguraduhin na malakas ang Data at WiFi Connection.

  • Panatilihing nakabukas ang screen upang hindi ma-disconnect ang tawag.

  • Huwag patayin o i-lock ang screen.