Information para sa mga Angkas Bikers na nais mag-renew o magpa-register ng motorcycle sa MVIC Otis.

Schedule:
Ang pagpaparehistro at pag-renew ng motorcycle sa MVIC Otis ay available mula Lunes hanggang Biyernes, 7:00 AM hanggang 4:00 PM. Tuwing Sabado, bukas ito mula 7:00 AM hanggang 12:00 NN para sa Emission Test lamang.

Location:
Matatagpuan ang MVIC Otis sa Barangay 662 Zone 71, 17-A Cristobal, Paco, Maynila, Kalakhang Maynila.

Fees and Discounts:
Ang bayad para sa pagrehistro ng motorcycle sa MVIC ay PHP 1,600 para sa mga walk-in. May discount ang Angkas Bikers, at kinakailangang ipakita ang Angkas Biker ID upang makuha ito.

Para sa “All-in package, hassle-free” na serbisyo, ang halaga ay PHP 1,500 para sa mga walang penalty. Kasama sa package ang audit ng motorcycle, insurance, test engine, at OR. Kung may penalty, maaaring magkaroon ng karagdagang bayad na PHP 120 depende sa sitwasyon.